12 December 2024
Calbayog City
Province

Unang kaso ng H5N2 Bird Flu Virus sa Pilipinas, na-detect sa Camarines Norte

NA-detect sa Talisay City, sa Camarines Norte ang unang kaso ng H5N2 na isang subtype ng bird flu virus na naililipat sa tao.

Ayon sa Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture, na-detect ito sa isang duck farm noong Dec. 6.

Tiniyak naman ng DA nagsagawa na ng quarantine procedures sa loob ng one-kilometer surveillance zone.

Na-kumpleto na rin ang culling process sa mga ibon sa lugar kung saan na-detect ang virus.

Noong Hunyo ay iniulat ng World Health Organization na isang indibidwal sa Mexico ang unang kumpirmadong human case ng virus.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.