MAS naghigpit ang Department of education sa pagpapatupad ng Senior High School Voucher Program matapos ang natuklasang ‘ghost beneficiaries’ noong nakaraang taon.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, pitong kaso na ang kanilang naisampa laban sa mga pribadong paaralan at mga taong sangkot sa pekeng claims na nagkakahalaga ng 37.58 million pesos.
Dahil aniya sa insidente, mas hinigpitan pa ng DepEd ang beripikasyon bago ang pagpapalabas ng pondo.
At resulta aniya ng mas mahigpit na implementasyon ay napigilan ang paglalabas ng hindi bababa sa 200 million pesos para sa mga hindi naman kwalipikadong benepisyaryo.
Ayon kay Angara, ang pagpapatupad ng mas mahigpit na guidelines ay upang masiguro ang transparency at tamang paggamit ng pondo ng bayan.




