KINUMPIRMA ng Office of the Vice President (OVP) na nasa Amsterdam na si Vice President Sara Duterte.
Ayon sa OVP, dumating si VP Sara sa Amsterdam, kahapon 4:27 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.
Sa pagdating ng Bise Presidente, sinalubong ito ng assistance mula sa Dutch Foreign Ministry at Dutch National Police Corps.
Inihayag ng OVP na dadalo si VP Sara sa serye ng mga pulong habang naghihintay ng pagkakataon para mabisita ang kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa ilalim ng kustodiya ng International Criminal Court (ICC).