12 March 2025
Calbayog City
Local

Samar Center for Developmental pediatrics, inilunsad sa Catbalogan City

INILUNSAD ng pamahalaang panlalawigan ng Samar sa ilalim ng liderato ni Governor Sharee Ann Tan ang Samar Center for Development Pediatrics (CDP), sa Spark Samar Development hub (sa harap ng metro supermarket), sa Arteche Boulevard, Catbalogan City.

Ang CDP ay itinatag para magbigay ng mga kinakailangang serbisyo sa mga batang mayroong espesyal na pangangailangan.

May alok ang center na occupational therapy, speech therapy, at physical therapy upang matugunan ang lumalaking demand para sa specialized developmental care sa lalawigan.

Binigyang diin ni Governor tan na ang proyekto ay malaking hakbang para sa human capital development, at matiyak na ang bawat bata, anuman ang kanilang pinagdadaanan, ay makatatanggap ng suporta na nararapat para sa kanila.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).