15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Donald Trump pinagmulta ng $9,000 dahil sa Contempt of Court kaugnay ng kinakaharap na Hush Money Trial

PINAGMULTA ng 9,000 dollars hukom na dumidinig sa Criminal Hush Money Trial ni Donald Trump ang dating US PRESIDENT dahil sa Contempt of Court.

Nagbanta pa si Judge Juan Merchan kay Trump na posible itong ikulong kung patuloy nitong lalabagin ang gag order.

Sinabi ng hukom na maaring hindi sapat ang multa para patahimikin ang mayamang businessman-turned-politician, kasabay ng panghihinayang na wala siyang otoridad para magtakda ng mas mataas na penalty.

Una nang naglabas si Merchan ng gag order upang maiwasan na batikusin ni Trump ang mga witness at iba pang mga sangkot sa kaso.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *