MAHIGPIT na tinututukan ng health officials ang dalawang indibidwal mula sa magkahiwalay na lugar sa Region 12 na hinihinalang tinamaan ng Mpox Virus.
Ayon kay Dr. Dyan Parayao, Chief Ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Department of Health-12, naka-isolate na ang dalawang pasyente at isinasailalim sa DOH Disease Control Procedures.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Sinabi ni Parayao na ang mga pasyente ay mayroong skin rashes, lesions o sugat, at pabalik-balik na lagnat.
Natukoy na rin aniya nila mga nagkaroon ng closed contact sa dalawang pasyente, bago kinonfine ang mga ito sa isolation facility ng DOH-12.
