IPAKAKALAT ng PNP ang 37,000 nilang mga tauhan para magbantay sa pagbubukas ng mga klase sa buong bansa sa June 16.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo, na palalakasin ng uniformed personnel ang beat patrols at police visibility sa mga lugar at kalsada na patungo at mula sa mga paaralan.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
May mga i-se-set-up din aniya na police assistance desk sa kahabaan ng mobile at foot patrollers upang mabantayan at matulungan ang mga mag-aaral, mga magulang at school personnel.
Masusubok din sa school opening ang mabilis na pagresponde ng mga pulis na ipinangako ni PNP Chief Police General Nicolas Torre.