PUMANAW na ang Veteran Filipino Writer-Director at Comic Strip Creator na si Carlo J. Caparas sa edad na 80.
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Peach Caparas sa pamamagitan ng isang Facebook post, subalit hindi tinukoy ang dahilan ng pagpanaw ng batikang direktor.
Maine Mendoza, inaming na-inlove kay Alden Richards sa kasagsagan ng kasikatan ng AlDub
P-Pop Group BINI nagsampa ng kaso laban sa hindi pinangalanang indibidwal
Bela Padilla, nagreklamo sa mataas na Tax na ipinataw ng Customs sa mga produktong binili niya sa online
Shaira Diaz at EA Guzman, ikinasal na matapos ang 12 taong pagiging magkasintahan
Inanunsyo rin ni Peach na magsisimula ang burol ng kanyang ama ngayong Lunes ng tanghali hanggang hatinggabi sa Golden Haven, C-5 Extension, sa Las Pinas City.
Si Direk Carlo J. ay nakilala sa kanyang nilikhang superheroes at mga karakter sa pamamagitan ng kanyang comic strips, gaya ng Panday, Totoy Bato, Bakekang, Gagambino, at Elias Paniki.
Siya rin ang direktor ng pelikulang “The Vizconde Massacre” na ipinalabas noong 1993 at pinagbidahan ni Kris Aquino.
Noong 2009 ay hinirang si Direk Carlo J. Caparas bilang National Artist for Visual Arts and Film, subalit pinawalang bisa ng Korte Suprema ang pagkilala noong 2013.