ALAM ng Department of the Interior and Local Government ang lokasyon ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla naka-monitor ang DILG sa senador.
ALSO READ:
Palipat-lipat aniya sa magkakaibang lugar si Del Rosa gamit ang iba’t ibang mga sasakyan sa tulong ng mga kaibigan.
Sa nakalipas na tatlong Linggo, naispatan sa anim na magkakaibang lokasyon ang senador.
Tumanggi naman si Remulla na sabihin kung saang mga lugar nagtungo si Dela Rosa.
Sa ngayon ani Remulla, hindi pa pugante ang senador dahil wala pa namang opisyal na warrant of arrest na inilalabas ang ICC laban dito.




