MAS mababa pa rin ang mahigit tatlundaang machine-related issues na naitala ngayong May midterm elections, kumpara sa mga nakalipas na halalan, ayon kay COMELEC Chairman George Garcia.
Ginawa ng poll chief ang pahayag sa press conference, isang oras bago magtapos ang botohan, kahapon.
Sinabi ni Garcia na kumpara noong 2022 elections kung saan 2,500 agad ang pinalitan sa mga unang oras ng botohan, 311 lang na makina ang pinalitan ngayon mula sa 16,000 contingency machines na mayroon sila.
Idinagdag ng COMELEC chief na wala namang naitalang major issues, kasabay ng apela sa publiko na huwag magpakalat ng misinformation sa idinaos na halalan.