DAAN-daang sako ng bigas ang ipinagkaloob bilang tulong ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Calbayog sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa Northern Samar.
Maliban san isandaang sako ng bigas ay nagbigay rin bilang donasyon ang LGU Calbayog sa pamahalaang panlalawigan ng Northern Samar ng limang boxes ng anti-biotic.
Nagkaloob din ng sampung sakong bigas at 2000-litrong potable water ang Calbayog City Government sa municipal government ng Lope De Vega, Northern Samar.
Naging kinatawan ng Calbayog sa pagturn-over ng mga ayuda si Dr. Sandro Daguman, ang pinuno ng Calbayog Disaster Risk Reduction & Management Office at City Councilor Adjie Sumagang at ang DPWH.
Samantala, kasama rin sa convoy ng operation “Tindog Nortehanan” na naghatid ng tulong sa Northern Samar, araw ng Sabado, November 25, 2023 ay ang pamahalaang panlalawigan ng Samar.
200-sako ng bigas ang ipinagkaloob nila sa Northern Samar sa pamamagitan ni Manuel Van Torivillas, ang pinuno ng PDRRMO ng Samar Province.
Tumanggap sa mga nabanggit na ayuda ang head ng Northern Samar PDRRMO na si Rei Josiah Echano.