UMABOT na sa tatlumpu katao ang nasawi sa nakalipas na dalawang linggo sa Northern State ng Sinaloa sa Mexico.
Bunsod ito ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng dalawang paksyon ng makapangyarihang Sinaloa Drug Cartel.
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Ayon kay Mexican Defense Secretary Luis Cresencio Sandoval, dalawang military personnel ang kabilang din sa mga nasawi sa sagupaan na nagsimula noong Sept. 9, sa kabila ng presensya ng mahigit dalawanlibong security personnel.
Inaasahan na ang pagsiklab ng mga karahasan makaraang lumapag ang maliit na eroplanong sinakyan ni Joaquin Guzman Lopez, anak ni dating Sinaloa Cartel Leader Joaquin “El Chapo” Guzman, malapit sa El Paso, Texas noong July 25.
Kasama ni Lopez si Ismael “El Mayo” Zambada na tumatayong elder figure at reclusive leader ng cartel, na sinasabing dinukot ng kanyang grupo.
Lumilitaw na mayroong agawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga anak na lalaki ni El Chapo, na kilala sa tawag na “The Chapitos,” at sa mga loyal kay Zambada.