12 October 2025
Calbayog City
Province

3 persons of interest sa pagdukot sa American vlogger, patay sa engkwentro sa Zamboanga Sibugay

TATLONG indibidwal na iniuugnay sa pagdukot sa American Vlogger na si Elliot Eastman ang nasawi sa engkwentro sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang mga suspek na sina Mursid Ahod, Abdul Sahibad, at Fahad Sahibad.

Ayon sa Police Regional Office 9 (PRO-9), lumitaw sa imbestigasyon na si Ahod at ang magkapatid na Sahibad ang nagkanlong at tumulong sa iba pang suspects at persons of interest na sangkot sa pagdukot kay Eastman, upang maitago ang mga ito sa mga awtoridad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).