Tatlong pasahero ng van ang nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Maharlika Highway sa Tiaong, Quezon.
Nangyari ang aksidente sa bahagi ng highway sa Barangay Talisay, nang mag-overtake ang isang van sa isa pang van na nasa harapan nito hanggang sa mahagip ito ng kasalubong na pampasaherong bus.
Nagtamo ng matinding pinsala ang isang van na patungong Masbate.
Nabatid na accident prone area ang lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Inaalam din ng mga otoridad kung colorum ang nabanggang sasakyan.