TATLONG menor de edad ang patay makaraang masunog ang dalawang palapag na residential building sa Sta. Mesa. Maynila.
Ayon kay Barangay 597 Chairman Francisco Blanco, malakas ang usok subalit walang apoy nang kanilang madatnan ang insidente.
ALSO READ:
NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Aniya, tinangka pang apulahin ng mga barangay tanod at mga residente sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubong ng kapitbahay bago dumating ang mga bumbero.
Sinabi naman ng Manila Fire District na walang bintana ang bahay, at aabot ang halaga ng pinsala sa 30,000 pesos.
Tumangging magbigay ng pahayag ang nanay ng tatlong babaeng nasawi na ang edad ay lima, labing isa at labing anim.
