NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda matapos lumubog ang kanilang bangka sa El Nido, Palawan.
Inireport sa Coast Guard Station Palawan ng isang resort na isang bangkang pangisda ang lumubog sa Pasindagan Cove.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Agad namang nagpadala ang PCG ng Quick Response Team para magsagawa ng Search and Rescue Mission, at mabilis na natukoy ang lokasyon ng lumubog na bangka at nailigtas ang mga mangingisda.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng paglubog ng bangka.
