ISINARA sa mga motorista ang tatlong kalsada na papasok sa Baguio City.
Iniutos ng Department of Public Works and Highways – Cordillera ang immediate road closure sa sumusunod na kalsada:
ALSO READ:
Calayan, Cagayan, isinailalim na sa State of Calamity dahil sa epekto ng Bagyong Nando
Maguindanao Del Sur, isinailalim sa State of Calamity dahil sa malawakang pagbaha
Minimum Wage Earners sa Calabarzon, may aasahang umento sa susunod na buwan
Mas pinalawak na airport sa Antique target mabuksan sa susunod na buwan
- Kennon Road
- Marcos Highway (Aspiras–Palispis Highway)
- Asin–Nangalisan–San Pascual Road
Ayon sa DPWH, nakapagtala kasi ng landslides, falling debris at road obstructions sa nasabing mga kalsada dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.
Pinayuhan ng DPWH-Cordillera ang publiko na iwasan muna ang bumiyahe patungong Baguio City.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang clearing operations sa mga apektadong lansangan.