TATLO katao ang nasugatan sa sumiklab na sunog sa isang Residential Area sa Happy Land, Barangay 105, sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), wala namang nasawi sa naturang insidente.
ALSO READ:
Manila district engineer, pinagpapaliwanag ng DPWH hinggil sa mga iregularidad sa Sunog Apog Pumping Station
Flood Control Facility sa Maynila, ininspeksyon ng ICI
Mga nanggulo sa rally sa Maynila, sasampahan ng patong-patong na kaso – Mayor Isko
Kaso ng Influenza-like Illness sa QC lagpas na sa epidemic threshold
Sinabi ng BFP na mabilis kumalat ang sunog dahil gawa sa Light Materials ang mga bahay at may mga naapektuhan ding Junk Shops.
Tinaya naman sa limandaang pamilya o isanlibong indibidwal ang naapektuhan ng sunog na nag-iwan ng nasa 1.5 million pesos na halaga ng pinsala.
May ilang linya ng tubig at kuryente rin ang naapektuhan ng sunog.
Patuloy na inaalam ng Arson Investigators ang sanhi ng insidente.