TATLONG indibidwal ang nasugatan kasunod ng pagsabog sa imbakan ng gasolina sa Malasiqui, Pangasinan.
Itinaas sa second alarm ang sunog, kasunod ng halos minu-minutong pagsabog sa gasoline storage.
Nabalot ng makapal at maitim na usok ang establisyimento habang nadamay din sunog ang dalawang kalapit na mga bahay.
Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng insidente, maging ang halaga ng mga natupok na ari-arian.