TATLO katao ang nasugatan habang mahigit pitundaang residente ang nawalan ng tirahan bunsod ng malaking sunog na sumiklab sa Mandaluyong City.
Nilamon ng apoy ang nasa isandaang kabahayan sa Barangay Addition Hills noong Sabado ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), isandaan at animnapung pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Sinabi ni Fire Senior Inspector Bryan Pillula, karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials, at nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa masisikip na eskenita.
Kabilang sa mga nasugatan sa sunog na inaalam pa ang pinagmulan, ay isang firefighting volunteer at isang sibilyan.
Inihayag ng mga awtoridad na ito na ang ika-siyam sunog sa Barangay Addition Hills ngayong 2025.




