13 August 2025
Calbayog City
Metro

3 katao, sugatan; 1,500 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo, Maynila

TATLO katao ang nasugatan sa sumiklab na sunog sa isang Residential Area sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit anim na oras bago naapula ng mga bumbero ang sunog na umabot sa Task Force Charlie.

Sa impormasyon mula sa Arson Investigator Unit ng Manila Fire District, isang trenta’y kwatro anyos na lalaki ang nagtamo ng leg injuries habang dalawang miyembro ng BFP ang nasugatan sa kasagsagan ng Rescue Operations.

Tinaya naman sa isanlibo limandaang pamilya ang naapektuhan ng sunog, at ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa Evacuation Center.

Nasa dalawampu’t walo haggang tatlumpu’t dalawang truck ng bumbero ang rumesponde sa insidente habang nagpadala rin ang Philippine Air Force ng dalawang helicopters para tumulong sa pag-apula sa apoy. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).