TATLO ng nasawi sa sunog na naganap sa isang residential area sa Brgy. Concepcion Uno sa Marikina City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – NCR, nagsimula ang unog 8:40 ng umaga sa bahagi ng E. Santos Street.
ALSO READ:
Vlogger na si Francis Leo Marcos, nakalabas na sa kulungan matapos magpiyansa ng 120,000 pesos
Senior citizen, patay; PWD, nawawala sa sunog sa Intramuros, Maynila
5-minute response sa road emergencies, tiniyak ng MMDA sa pamamagitan ng traffic hotline
Bagong traffic management scheme sa C3 Road sa Quezon City, binantayan ng MMDA
Mahigit isang oras ang itinagal ng sunog na umabot ng first alarm bago tuluyang maapula 9:44 ng umaga.
Aabot sa walong bahay ang naapektuhan ng sunog.
Sa isinagawang mopping up operations, na-recover ang katawan ng tatlong biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy. (DDC)
