8 July 2024
Calbayog City
Provincial

3 katao patay sa pamamaril sa Meycauayan, Bulacan

TATLO ang patay habang isa ang sugatan sa pamamaril ng dalawang armadong lalaki sa barangay hall sa Bahaypari, sa lungsod ng Meycauayan sa Bulacan.

Sinabi ng Meycauayan Police na pinaslang ng dalawang suspek ang isang barangay tanod na nagbabantay sa gate ng barangay hall.

Agad namang rumesponde ang mga rumo-rondang pulis nang makarinig sila ng mga putok ng baril.

Naabutan pa ng mga otoridad ang dalawang lalaki na nagpapaulan ng bala sa barangay hall hanggang pati sila ay paputukan din kaya naman napilitang silang gumanti.

Nagtangka pang tumakas ang mga suspek sa pamamagitan ng motorsiklo subalit napatay sila ng mga pulis.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *