14 March 2025
Calbayog City
Province

3 katao patay sa Cholera sa Maguindanao; mahigit 20 iba pa, na-ospital!

TATLONG residente ang nasawi sa Talayan, Maguindanao Del Sur habang dalawampu’t isang iba pang ang na-ospital makaraang makaranas ng pagsusuka, pagdudumi, at panghihina.

Ayon sa Integrated Provincial Health Office, lumalabas na cholera ang tumama sa mga biktima dahil sa iniinom na tubig mula sa poso.

Nabatid na nagkaroon ng fish kill sa ilog kung saan malapit ang posong pinagkukunan ng tubig ng mga residente.

Sa nasabing ilog din naghuhugas ng pinagkainan ang mga residente, naliligo at dumudumi.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *