Dalawang bahay ang tinupok ng APOY at isa pang bahay ang bahagyang nasunog sa Purok 5 Brgy. Saljag, Calbayog City ng 12:32 ng tanghali araw ng Huwebes Oktubre 12, 2023.
Agad rumisponde ang Bureau of Fire Protection sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng BFP ang nasabing bahay na dalawang palapag ay pag-aari ni Lonito Amante Calipay Jr. na gawa sa semento at light materials ang ikalawang palapag at ang isang palapag ay pag aari ni Victoriano Abayon Mendoza na tinupok ng apoy at isang bahay na bahagyang nasunog na pag aari ni Anthony J Calipay.
Wala namang naitalang nasaktan at tinatayang umabot sa halaga PHP 156,660.00 ang pinsala at umabot ito sa unang alarma.
Patuloy ang imbistigasyon ng BFP sa naging sanhi ng sunog.