4 July 2024
Calbayog City
Local

3 arestado sa paglabag sa gun ban sa Sta. Margarita, Samar

arestado

ARESTADO ang tatlong indibiduwal dahil sa pagbitbit ng baril gayung umiiral ang COMELEC election gun ban o paglabag sa RA10591. 

Nasakote ang mga indibiduwal na sina Jude Payno, Jastin Ela at Raymond Mancol sa checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Cagsumje Sta. Margarita, Samar ng PNP Sta. Margarita MPS sa pamumuno ni PLT Ebest S. Taping, Officer-in-charge, kasama ang iba pang unit ng pulisya. 

Nangyari ang insidente alas 2:00 ng madaling araw ng Setyembre 21, 2023.

Nakumpiska sa mga ito ang (1) isang unit ng homemade firearm  o mas kilala sa tawag na “Sumpak”, kasama ang (1) isang unit na Yamaha Mio Sporty na walang plaka o dokumento. 

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *