UMABOT sa 3.3 million ang dumalo sa idinaos na Sinulog grand parade ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Dumagsa ang bulto ng mga nakiisa at nanood ng aktibidad hapon ng Linggo, Jan. 18.
ALSO READ:
Mas mahabang suspensyon kay Cong. Barzaga, nakaumang
Cong. Leviste at mga self-claimed DDS, iisa ang agenda, ayon sa Malakanyang
Dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, walang nilabag sa polisiya ng BI kahit hindi agad nakauwi ng bansa
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Gamit ng CCTV cameras, drones at iba pang devices na-monitor ng mga otoridad ang dagsa ng mga tao.
Kasama sa mga binilang ang mga taong nasa labas ng mga mall at nasa mga lansangan kung saan idinaos ang Sinulog festival activities gayundin ang mga nasa Cebu City Sports Center.
Naging payapa naman ang kabuuan ng aktibidad ayon sa Cebu City Police maliban lamang sa ilang mga nasaktan at sumama ang pakiramdam na mabilis namang nalapatan ng lunas.
