NAKIPAGPULONG si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa TESDA Samar para talakayin ang posibleng pagsasagawa ng Road Safety Seminar para sa habal-habal drivers at pagpapatupad ng drivers license program na sadyang para sa kanila.
Ang naturang pulong ay patunay ng commitment ni Mayor Mon upang matiyak ang kaligtasan at pagiging propesyunal ng habal-habal drivers sa lungsod.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa TESDA Samar, aktibong isinusulong ni Mayor Mon ang pagpapaganda ng transportation system at pagtiyak sa kapakanan ng mga drayber ng habal-habal, pati na ng mga pasahero sa Calbayog City.