NIRESBAKAN ni Albuera, Leyte Mayoralty Candidate Kerwin Espinosa si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez.
Ito’y matapos sabihin ng kongresista na tila scripted ang assassination attempt sa self-confessed drug lord, at hindi maganda ang acting nito.
Bilang tugon, hinimok ni Espinosa si Gomez na maghinay-hinay sa paghusga at maging mapagkumbaba ngayong Semana Santa.
Ipinaalala ng mayoralty candidate sa mambabatas na pareho lamang silang tao at may mga kasalanan.
Hinamon din ni Espinosa si Gomez na tingnan nito ang sarili sa salamin, alamin kung sino sa kanilang dalawa ang may record ng pang-aabuso at nakikipag-kapwa tao.
Huwebes nang masugatan sa pamamaril si Espinosa, pati na ang running mate nito na si Mariel Espinosa-Marinay at isa pang menor de edad, habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an sa Albuera.