SINIRA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mahigit 55 Million Pesos na halaga ng illegal drugs at marijuana na kanilang nakumpiska sa rehiyon ngayong taon.
Pinangunahan ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro ang pagsira sa isang pasilidad sa Sultan Kudarat, sa Maguindanao Del Norte, kung saan isinalang sa napakainit na temperatura ang mga droga.
Inihayag ni Castro na naabot ng PDEA-BARMM ang 76 percent na success rate sa Anti-Drug Operations, kung saan nakumpiska ang tinatayang 200 million pesos na halaga ng illegal drugs ngayong taon. Sa kabila nito ay nababahala pa rin ang PDEA Official dahil pangalawa na ang barmm sa most affected area sa bansa, sunod sa National Capital Region.