Naitala ang pinakamataas na inflation sa lalawigan ng Samar sa 5.6 percent sa buwan ng Enero 2024 sa buong Eastern Visayas.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) Region 8, ang Southern Leyte naman ang nakapagtala ng pinakamabagal na inflation na nasa 2.6 percent.
Nasa 4 percent naman ang inflation sa Northern Samar, 4.9 percent sa Biliran, 3.2 percent sa Tacloban city, at 3.3 percent sa Leyte.