INAPRUBAHAN ng Wage Board ang pagtataas ng sahod ng mga Domestic Workers o Kasambahay sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Labor and Employment, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region ang Wage Order Number NCR-DW-06.
ALSO READ:
Sa ilalim ng kautusan, mula sa kasalukuyang 7,000 pesos ay magiging 7,800 pesos na ang buwanang sweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Magiging epektibo ang dagdag sahod labinglimang araw matapos maisapubliko ang nasabing kautusan o mula sa February 7, 2026.




