UMAKYAT na sa isandaan libong piso ang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang pumatay sa Philippine Eagle na si Mangayon.
Kalahati ng pabuya ay una nang inalok ni Davao De Oro Governor Dorothy Gonzaga habang nagdagdag si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga ng 50,000 pesos.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Ang reward money ay inalok upang paigtingin pa ang mga hakbang upang makamtan ang hustisya sa pagpaslang sa pambansang ibon.
Si Mangayon na binaril sa Davao De Oro ay binawian ng buhay dahil sa severe blood loss, ayon sa Philippine Eagle Foundation.
