UMABOT sa 44,872 ang bilang ng mga pasaherong kababaihan na nakatanggap ng libreng sakay sa MRT-3 noong Sabado, Marso 8.
Ito ay bilang pagdiriwang ng International Women’s Day.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Mayroong 21,216 na mga kababaihang pasahero ang nakatanggap ng libreng sakay mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM.
Samantala, 23,656 naman ang nakalibre ng pamasahe mula 5:00 PM to 7:00 PM.
Mayroon namang kabuuang 319,052 pasahero ang naitala noong Sabado.
Ang libreng sakay ay bilang pagkilala at pasasalamat ng MRT-3 sa mga kababaihan sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.
Namigay rin ng libreng mga pamaypay ang MRT-3 sa mga kababaihang pasahero noong Marso 7.