14 March 2025
Calbayog City
Local

Mga natatanging opisyal at empleyado ng NWSSU kinilala sa Papuri Night 2023; Infinite Radio Calbayog, kabilang sa mga tumanggap ng parangal

PINARANGALAN ng Northwest Samar State University (NWSSU) ang kanilang outstanding officials at employees sa Papuri Night 2023 bilang bahagi ng University Days 2023.

Tinanggap ni Dr. Catherine Rodriguez, Director of Extension Services Office, ang “Best Female Supervisor” Award habang si Mrs. Sance Secondez ang itinanghal na “Distinctive Extension Implementer” ngayong taon.

Para sa Loyalty Award, kabilang sa mga pinarangalan sina Engr. Romeo Corsiga para sa kanyang tatlumpung taon sa serbisyo, Pres. Benjamin Pecayo at Dr. Felecinano Bejar para naman sa kanilang 35 years of service.

Tinanggap din ni Retired Faculty Member Dr. Marieta Espiña ang Salamat, Paalam Award matapos magsilbi sa Unibersidad ng tatlumpu’t pitong taon.

Kinilala rin ang mga dating miyembro ng University Board of Regents sa Awards Night.

Kabilang din sa binigyan ng pagkilala bilang isa sa mga Stakeholder ng NWSSU sa kanilang 63rd Founding Anniversary ang 92.1 Infinite Radio Calbayog.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *