14 March 2025
Calbayog City
Business

Posibleng paghihigpit sa supply ng bigas pagsapit ng Hulyo, ibinabala ng grupo ng mga magsasaka

bigas

NAGBABALA ang grupo ng mga magsasaka na posibleng kapusin ang supply ng bigas sa Lean Months, dahil maring maantala ang pag-aani bunsod ng tagtuyot.

Ayon sa Federation of Free Farmers Cooperatives, posibleng magkaroon ng kagipitan sa supply ng bigas, lalo na sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre.

Sinabi ng grupo na ang inaasahang pag-ulan na karaniwang dumadating sa Mayo ay maantala para sa harvest season ng Oktubre hanggang Disyembre.

Dahil sa El Niño, inihayag ng PAGASA na made-delay ang pag-ulan, kaya mauurong din ang planting season.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *