ANIM na miyembro ng New People’s Army (NPA), na pawang magsasaka, ang sumuko at nag-surrender ng kanilang armas sa tatlong lalawigan sa Eastern Visayas, ayon sa Police Regional Office 8.
Sa Northern Samar, sumuko sa 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company ang isang alyas “Mistah,” 44 anyos, residente ng bayan ng Pambujan, at kinilala bilang unit militia commander.
1-billion peso support fund, magpapalakas sa zero balance billing sa provincial hospitals
DOH, binuksan ang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas
BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas
Halos 1,300 na residente sa Calbiga, Samar, may direktang access na sa malinis at ligtas na inuming tubig
Sinurender nito ang isang improvised 12-gauge shotgun at mga bala.
Sumuko rin sa 803rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion-8 ang isang alyas “Reden,” 33 anyos, residente ng Lope De Vega.
Kasabay ng pagsuko sa 2nd NSPMFC ay itinurnover ng isang alyas “Bots,” 35 anyos, residente ng Silvino Lobos, ang isang .357 magnum revolver at ammunition.
Kabilang din sa mga sumuko mga dating NPA member mula sa Paranas, Samar; Giporlos, Eastern Samar; at Can-Avid, Samar, na nag-surrender din ng mga baril at bala.
