PATAY ang dalawampu’t walo katao habang walundaan ang sugatan sa malaking pagsabog sa isa sa mga pangunahing pantalan sa Iran.
Nangyari ang pagsabog sa Shahid Rajaee, na pinakamalaking commercial port sa bansa, malapit sa southern city ng Bandar Abbas.
Sa lakas ng pagsabog nagliparan ang mga bintana at bubungan ng mga kalapit na mga gusali at nawasak ang mga sasakyan.
Ang naturang pagsabog ay resulta umano ng improper handling ng shipment ng solid fuel para sa paggamit ng Iranian ballistic missiles.