PITONG hinihinalang natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) Southwest Front ang napaslang sa serye ng engkwentro sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Ayon kay Lt. Col. Erwin Lamzon, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Army, nagsimula ang mga sagupaan, sa Barangay Tapi, ala singko y medya ng umaga, kahapon.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Ang mga nasawi aniya ay kinabibilangan ng apat na babae at tatlong lalaki, kabilang ang isang “ka kumpol” na umano’y lider na putol ang kanang braso.
Kabilang sa mga narekober sa encounter site ang anim na M16 assault rifles, isang M203 rifle, isang sub-9MM machines gun, isang M203 grenade launcher, at 9MM na mga baril.
