MAHIGIT 272 million pesos na halaga ng humanitarian aid ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng shear line sa Eastern Visayas.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao, kabilang sa kanilang mga ipinamahagi sa rehiyon ay family food packs, non-food items, at cash assistance sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation Program.
Aniya, kabuuang 323,301 food boxes na nagkakahalaga ng mahigit 222 million pesos ang ipinagkaloob sa mga apektadong pamilya mula sa mga lalawigan ng Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Western Samar, at Southern Leyte.
Itinurnover din ng ahensya ang mahigit 584 hygiene kits at 72 kitchen kits sa mga naapektuhan ng masamang panahon sa Northern Samar at Western Samar.