13 February 2026
Calbayog City
National

27% Filipino adults, sinabing nakaranas na silang mapagtaksilan

TWENTY-seven percent ng mga adult na Filipino ang nagsabing personal silang nakaranas ng ‘cheating’ o naloko sila sa isang relasyon.

Ito ang lumitaw sa survey ng Social Weather Survey na idinaos noong December 24 hanggang 30, 2025 kung saan tinanong ang mga respondent kung “Nakasaksi o nakaranas na ba sila mismo ng anumang uri ng pangangaliwa o pagtataksil o “cheating” sa isang relasyon”.

Sa 27 percent na nagsabing naranasan na nilang mapagtaksilan, 11 percent ang nagsabing physical cheating ang kanilang naranasan, at 11 percent naman ang nakaranas ng emotional cheating.

Nanguna sa mga binanggit na pamamaraan ng pagtataksil ay ang cybercheating kung saan nahuli nila ang partner na mayroong ibang social media account o sekretong nakikipag-chat sa iba.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).