12 July 2025
Calbayog City
National

25% ballot shading, inirekomendang ibalik para sa susunod na eleksyon

INIREKOMENDA ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ibalik ang 25% shading threshold sa susunod na eleksyon sa bansa.

Ito’y matapos makatanggap ang PPCRV ng reports ng mismatches sa pagitan ng aktwal na boto at resibo mula sa Automated Counting Machines (ACMs).

Sinabi ni PPCRV Spokesperson Ana Singson na nakatanggap sila ng reports na nakaapekto sa pagbabasa ng ACM ang smudges sa mga balota.

Aniya, tila masyadong mababa ang 15% na threshold at masyadong sensitibo, kaya kahit maliliit na marka na hindi naman dapat kasama ay nababasa ng makina.

Ipinaalala ni Singson na ang 25% shading threshold ay ginamit noong 2022 elections.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).