EMOSYONAL ang aktres na si Kim Chiu para sa tatanggaping Outstanding Asian Star Trophy sa Seoul International Drama Awards 2024.
Ibinahagi ni Kim ang balita sa kanyang Instagran account, kasabay ng pasasalamat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at fans sa ibinibigay nilang suporta.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sa Monday episode ng “It’s Showtime,” pinasalamatan din ng aktres ang yumaong Dreamscape Entertainment Head na si Deo Edrinal sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na gumanap sa papel na Juliana sa hit series na “Linlang.”
Una nang nagwagi ng naturang award sina Belle Mariano noong 2022 at Kathryn Bernardo noong 2023.
Ang awarding ceremony ay gaganapin sa KBS Hall, sa Seoul, South Korea sa Sept. 25.
