TINIYAK ni Department of Health Secretary Teodoro Herbosa na may nagbabantay sa kalusugan ng mga evacuee sa lahat ng Evacuation Centers.
Binisita ni Herbosa ang mga inilikas sa Marikina City partikular sa Nangka Elementary School kung saan nananatili ang 502 na pamilya o 2,407 na katao, at sa H. Bautista Elementary School na mayroong 603 na pamilya o 3,880 na evacuees.
Tinignan ng kalihim ang iba pang pangangailangan ng mga evacuee at kung maayos ang Wash Facilities at may wastong nutrisyon ang inihahaing pagkain sa kanila.
Pinatitiyak ni Herbosa na mayroong Medical Stations sa mga Evacuation Center na 24-oras na magseserbisyo sa mga inilikas na residente.
Ayon kay Herbosa, nauna nang namahagi na ang DOH ng karagdagang gamot tulad ng doxycycline, diabetes maintenance, mga bitamina, maintenance sa hypertension, antibiotics, gamot sa ubo, at First-Aid Kits sa mga LGU na naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.