MAHIGIT dalawampung Pilipino sa Amerika na umano’y iniuugnay sa mga iligal na aktibidad ang dineport bilang bahagi ng pangakong mass deportation ni US President Donald Trump.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang nasa dalawampu’t apat na Pinoy na dineport mula sa Amerika ay sangkot sa criminal activities, subalit hindi naman seryoso ang kanilang mga kaso.
Una nang inihayag ni Romualdez na prayoridad ng US Government na i-deport ang mga mayroong criminal records, pati na ang 1.3 million immigrants na nai-proseso na.
Pinayuhan din ng ambassador ang mga pinoy sa Amerika na walang legal na estado na bumalik sa Pilipinas at simulang ayusin ang kanilang dokumento at huwag nang hintaying tuparin ni Trump ang pangakong deportation.