AABOT sa 23 na kaso ng Tax Evasion ang inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa 23 Corporations, 56 na Corporate Officers at 17 Certified Public Accountants (CPA) dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis o “ghost receipts.”
Mismong si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang naghain ng Multiple Criminal Complaint sa Department of Justice ngayong araw, Agosto 7.
ALSO READ:
Nasa P1.4 bilyon na buwis ang hindi nakolekta ng BIR dahil sa maanomalyang transaksyon.
Ilang kompanya na ang nasampulan ng BIR dahil sa “ghost receipts” gaya ng Ever Bilena Cosmetics Inc.