MAHIGIT apatnaraang libong Butane Canister ang nadiskubre sa isang Warehouse sa Sta. Maria, Bulacan.
Tinaya ng mga awtoridad sa mahigit 21 million pesos ang halaga ng Butane Canisters na isinilid sa mahigit apat na libong sako.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Nag-ugat ang Raid sa Warehouse sa Barangay Buhangin, matapos dumulog sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang abogado ng complainant kaugnay ng umano’y pangho-hoard ng Butane Canister na mula sa Cebu at Mindanao.
Milyon-milyong piso na umano ang nawala sa kita ng complainant dahil nawawala ang kanilang Butane Canisters na refillable, at kadalasang ginagamit ng mga restaurant, street vendors, at kabahayan dahil mas mura ito kumpara sa LPG tank.
