AABOT sa dalawandaang pwesto o stalls sa palengke ang naapektuhan ng sunog sa pampublikong pamilihan sa Binangonan, Rizal.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tumagal ng walong oras ang sunog bago tuluyang naapula.
Sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang sunog sa electrical wiring.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.




