22 November 2024
Calbayog City
National

20 million kilograms ng bigas ilang buwan nang naka-tengga sa mga pantalan

bigas

Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Philippine Ports Authority (PPA) na madaliing mailabas ng mga pantalan ang halos isang libong container van na puno ng sako-sakong imported rice.

Ayon sa DA, ilang buwan nang naka-tengga sa mga pantalan sa Maynila ang nasabing mga container vans.

Sa pagtaya ng PPA, mayroong 888 shipping vans na may kargang 20 million kilograms ng bigas ang nakahimpil sa container yards sa Manila ports.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, maaaring sadyang pinatatagal ng consignees ang withdrawal ng nasabing mga kargamento para mas mapataas ang presyo at mas mahal nilang maibenta ang bigas.

Nagpasalamat naman si Laurel sa aksyon ng PPA sa reklamo ng DA hinggil sa hoarding ng mga imported na bigas.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.