Bilang pagbibigay-pugay sa naging kontribusyon ni yumaong Superstar at Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Sining Brodkast na si Nora Aunor, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dalawang tanyag na pelikula ng aktres na muling mapapanood sa mga sinehan.
Ang mga pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos” at “Tatlong Ina, Isang Anak” ay nakatanggap ng rated PG mula sa komiteng nag-review nito na nangangahulugang maaari itong panoorin ng pamilyang Pilipino.
Enlisted K-Pop Star na si Cha Eun-Woo, naispatan sa APEC Site sa Gyeongju
AC Bonifacio, kabilang sa Cast ng Korean Thriller Movie na ‘Perfect Girl’
Vicki Belo, sumakay ng MRT sa unang pagkakataon para humabol sa Concert ni Morissette
South Korean Actor Ji Chang-Wook, makakasama nina Jodi Sta. Maria, Janella Salvador, at Francine Diaz sa Reality Show
Hinihikayat ng MTRCB ang mga magulang na gabayan ang mga batang manonood at magkaroon ng pag-uusap sa mga bata tungkol sa tema ng pelikula.
Ang 1976 wartime drama na “Tatlong Taong Walang Diyos” mula sa direksyon ni Mario O’Hara ay nakatanggap ng mataas na pagtanggap noon mula sa mga kritiko nito at kinokonsidera bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang Pilipino.
Habang ang “Tatlong Ina, Isang Anak” na 1987 film ay tungkol sa kwento ng pagiging isang ina sa katauhan ng tatlong babae na pinagtagpo ng pagmamahal at pagsasakripisyo. Sa inisyatiba ng ABS-CBN Film Restoration Project ay muling mapapanood sa sinehan ang dalawang pelikula ng Superstar sa mga piling sinehan ng Ayala Malls hanggang sa Apr. 29.
